Rene O. Villanueva

Mga Kuwento ni Lolo Uban (Grandfather Uban's Stories) - 26 cm

Ang MGA KUWENTO NI LOLO UBAN ay serye ng mga kuwentong-pambata na nagpapakita at nagpapatimo sa mga bata ng saysay ng iba't ibang halagahan at kabutihan na siyang gagabay sa kanila upang sila ay maging kagalang-galang, mapagkakatiwalaan, at kapaki-pakinabang sa lipunan at sa mundo.

ANG BATANG MARUNONG GUMALANG

Isinumpa ng isang mabangis na mangkukulam ang kaharian, Si Prinsesa Laura ay naging isang matandang hukluban at ang kaniyang kapatid na si Prinsipe Rodante ay naging isang ibong itim. Makakalaya lamang ang magkapatid mula sa sumpa kung makikilala ng prinsesa ang kaniyang bunsong kapatid sa kawan ng mga ibong itim.

Ikukuwento ni Lolo Uban kung paanong ang pagiging magalang ay magpapawalang bisa sa sumpa ng mangkukulam.

971-518-058-2