"Ang aklat na ito ay bahagi ng apat-na-aklat na seryeng nilikha para sa mga batang mambabasa, na inilimbag noong 1977 at 1978 ng La Gaya Ciencia mula sa Barcelona. Noong mga panahong iyon, dalawang taon matapos pumanaw ang diktador na si Francisco Franco, sumailalim ang Espaņa sa yugtong Transisyon na nagbigay daan sa kauna-unahan nitong pagbabagong demokratiko."